dzme1530.ph

State of National Emergency kaugnay ng lawless violence sa Mindanao, binawi na ni PBBM

Binawi na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang State of National Emergency kaugnay ng lawless violence o matinding karahasan sa Mindanao.

Sa Proclamation No. 298 na may lagda ni Executive Sec. Lucas Bersamin, nakasaad na sa pamamagitan ng matagumpay na military at law enforcement operations at programs, nagkaroon ng significant gains ang gobyerno sa pagpapanumbalik ng peace and order sa rehiyon.

Dahil dito, ipinawalang-bisa na ang Proclamation No. 55 na itong nag-deklara ng State of National Emergency sa Mindanao.

Matatandaang idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang State of National Emergency noong Setyembre 2016, dahil sa paghahasik ng kaguluhan ng private armies, local warlords, mga bandido, criminal syndicates, terrorist groups, at religious extremists sa Mindanao. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author