dzme1530.ph

State of emergency, idineklara sa Samar bunsod ng San Juanico Bridge limit

Loading

Isinailalim ang buong probinsya ng Samar sa state of emergency, sa gitna ng limitadong pagdaan ng mga sasakyan sa San Juanico Bridge dahilan para maapektuhan ang daloy ng supplies mula sa Leyte.

Inaprubahan kahapon ng Sangguniang Panlalawigan ang deklarasyon, sa kanilang 150th Regular Session sa Catbalogan City.

Simula noong May 15 ay nilimitahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagdaan sa 53-year-old na 2.16 kilometers na tulay, sa mga sasakyan na may bigat na tatlong tonelada, bilang bahagi ng dalawang taong rehabilitasyon sa San Juanico Bridge.

Sinabi ni Vice Governor Arnold Tan na naapektuhan ng limitadong pagdaan sa tulay ang delivery ng petrolyo, medical supplies at essential goods mula sa Tacloban City.

Ipinaliwanag din ni Tan na ang deklarasyon ng state of emergency ay makatutulong upang makontrol ang presyo ng mga pangunahing bilihin, gaya ng pagkain at petrolyo.

 

 

About The Author