Nagdeklara ng State of Calamity ang lokal na pamahalaan ng Surallah sa South Cotabato bunsod ng matinding init na epekto ng El Niño phenomenon.
Ayon sa Office of the municipal agriculturist sa surallah, as of march 31, halos isanlibong ektarya ng sakahan at palaisdaan ang nagsimula nang matuyo.
Umabot na sa halos pitumpu’t isang milyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa naturang bayan.
Plano naman ng surallah local government na gamitin ang calamity funds para bigyan ng ayuda ang nasa isanlibong magsasaka na apektado ng matinding init ng panahon na dala ng El Niño.