dzme1530.ph

State of Calamity, idineklara sa lalawigan ng Cagayan bunsod ng pananalasa ng Bagyong Egay

Isinailalim sa State of Calamity ang buong probinsya ng Cagayan kasunod ng iniwang pinsala ng nagdaang Bagyong Egay.

Sa Facebook post ng Cagayan Provincial Information Office, ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon, batay sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.

Una nang inihayag ni Governor Manuel Mamba na umabot sa P1.4-B ang halaga ng pinsala ng pananalasa ng Bagyong Egay sa Cagayan.

Maraming residente ang nawalan ng tirahan at nanunuluyan ngayon sa mga evacuation center bunsod ng malalakas na hangin at ulan na dala ng nagdaang bagyo.

Matatandaang itinaas ng pagasa ang signal no. 4 sa bahagi ng Cagayan noong Miyerkules, nang unang mag-landfall ang typhoon Egay sa Fuga Island sa munisipalidad ng Aparri. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author