dzme1530.ph

State of calamity, idineklara sa La Castellana, Negros Occidental bunsod ng pagputok ng bulkang Kanlaon

Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng La Castellana sa Negros Occidental kasunod ng pagputok ng Mt. Kanlaon.

Walong barangay sa La Castellana ang naapektuhan ng pag-a-alboroto ng bulkan.

Nasa 200 residente naman mula sa naturang bayan ang nanunuluyan ngayon sa evacuation center.

Ayon kay Office of Civil Defense 6 Regional Director Raul Fernandez, ang pinaka-kailangan ng mga residente ay tubig kaya nag-request na sila ng deployment ng mobile water filtration.

Nanawagan din ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente na huwag munang bumalik sa kanilang mga tahanan hangga’t wala pang update ang PHIVOLCS hinggil sa aktibidad ng bulkang Kanlaon.

Una nang isinailalim sa state of calamity ang Canlaon City sa Negros Oriental bunsod ng pagputok ng bulkan.

About The Author