Isinailalim sa state of calamity ang Iloilo City, isang araw matapos ideklara ang outbreak ng pertussis o whooping cough sa lalawigan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, mayroong kabuuang 16 na kaso ng pertussis sa lungsod, kabilang ang pito na kumpirmadong kaso mula sa mga distrito ng Molo, Jaro, Arevalo, at Lapuz.
Opisyal na idineklara ang pertussis outbreak sa Iloilo noong Lunes, kasunod ng rekomendasyon ng Iloilo City Health Office, habang batay sa datos mula sa Iloilo Provincial Epidemiology Surveillance Unit, umabot na sa “alert and epidemic threshold” ang mga kaso ng whooping cough.
Naghihinala rin ang Iloilo Provincial Health Office na posibleng bunsod ng mababang vaccination coverage sa lalawigan ang sanhi ng outbreak.