PLANO ng Commission on Elections na idonate na sa Department of Education ang mga ginamit na Starlink satellite internet service na ginamit sa katatapos na National and Local Elections.
Sinabi ni Comelec chairman George Erwin Garcia na nakipag-ugnayan na sila sa IOne Resources Incorporated para sa donasyon ng mga satellite.
Ipinaliwanag ni Garcia na nakakabit na rin naman sa mga paaralan ang 8,000 Starlink satellites na kanilang ginamit noong eleksyon kaya’t mapapakinabangan na rin ito ng mga guro at estudyante.
Ito ay bilang pagkilala sa mga sakrispisyo ng mga guro at pagtulong na rin sa mga estudyanteng higit na nangangailangan ng internet connection para sa pag-aaral.