dzme1530.ph

Staff ni Sen. Padilla na nauugnay sa marijuana use, nagbitiw na

Loading

Kinumpirma ni Atty. Rudolf Jurado, chief of staff ni Senador Robin Padilla, na tinanggap na nila ang pagbibitiw ni Political Affairs Officer VI Nadia Montenegro.

Ayon kay Jurado, isinumite ni Montenegro ang kanyang resignation letter kaninang umaga kasama ang written explanation.

Sa kanyang paliwanag, itinanggi ni Montenegro ang paggamit ng marijuana.

Ayon sa incident report, lumabas na noong Hulyo at Agosto 12, 2025, may naamoy na kahalintulad ng marijuana sa comfort room.

Inamin ni Montenegro na gumamit siya ng PWD comfort room, hindi ang ladies’ comfort room na tinukoy sa report, at tanging dala niya noon ay isang grape-flavored vape.

Binatikos niya ang pagkalat ng incident report sa media, na nagdulot ng kahihiyan, masamang opinyon ng publiko, at pangungutya sa kanyang pamilya.

Gayunpaman, nilinaw niya na nagbitiw siya sa pwesto upang mapangalagaan ang kanyang mental health at bilang paggalang sa Senado at kay Sen. Padilla, upang hindi na lumaki ang isyu.

Nagpasalamat din si Montenegro sa senador at sa mga sumuporta sa kanya, pati na rin sa mga nagbigay ng pagkakataon na maipaliwanag nito ang kanyang panig.

About The Author