Hiniling ni Sen. Jinggoy Estrada sa liderato ng Senado na imbestigahan ang umano’y pangongolekta ng kickback ng isang staff kaugnay ng flood control projects.
Sinulatan ni Estrada si Senate Sec. Renato Bantug ang posibleng misrepresentation ni Divina Gracia “Beng” Ramos at iginiit na kung mapatunayang guilty, dapat itong parusahan.
Itinanggi ng senador na staff niya si Ramos at nilinaw na ito ay empleyado ng Senate Blue Ribbon Oversight Office Management.
Giit nito, mula pa noong 2004 ay wala siyang naging empleyado na nagngangalang Beng Ramos.