Hindi pa inirerekomenda ng Department of Health (DOH) sa mga lokal na pamahalaan ang pagtatayo ng mga special vaccination site sa kabila ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa nakalipas na isang linggo.
Ayon kay Health Officer in Charge Usec. Maria Rosario Vergere, ang pagtaas ng positivity rate ay apektado ng maraming factors para masabi kung ano ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.
Sa ngayon, mananatili muna ang mga vaccination sites sa mga health centers para magbigay ng bakuna sa publiko.
Hindi pa rin aniya kailangan magdeklara ng National Vaccination Day para sa second booster shot subalit binibigyan ng DOH ang mga LGU ng flexibility dahil mas alam nila ang risk level sa kanilang nasasakupan. —sa ulat ni Felix Laban