Nag-deklara ang Malakanyang ng special non-working day sa San Juan City para bukas, Agosto a-30.
Ito ay para sa pagdiriwang ng Pinaglabanan Day o ang Paggunita sa Makasaysayang Battle of San Juan del Monte.
Sa Proclamation No. 328 na may lagda ni Executive Sec. Lucas Bersamin, nakasaad na nararapat lamang na bigyang-pagkakataon ang mga residente ng San Juan na makiisa sa okasyon at selebrasyon.
Ang Battle of San Juan del Monte ang itinuturing na kauna-unahang major battle sa pagsiklab ng rebolusyon laban sa mga Espanyol noong 1896. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News