Nangako si House Speaker Martin Romualdez ng buong suporta sa pinalawak na housing program ng pamahalaan.
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na palawakin pa ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.
Ayon kay Romualdez, pangarap ng bawat pamilyang Pilipino ang magkaroon ng sariling bahay. Ngunit dahil sa taas ng gastusin, madalas ay nananatili na lamang itong pangarap. Umaasa si Romualdez na ang 4PH ang magiging tulay para sa katuparan nito.
Ayon kay DHSUD Sec. Jose Ramon Aliling, bahagi ng utos ng Pangulo ang pagpapalawak ng programa upang masaklaw na rin ang horizontal o subdivision-type projects, rental at incremental housing, at revitalization ng Community Mortgage Program (CMP).
Dagdag pa ni Romualdez, tungkulin ng mga lingkod bayan na bigyang katuparan ang simpleng pangarap ng bawat Pilipino, ang magkaroon ng sarili at disenteng tahanan.