Mahigit sa kalahating bilyon pisong halaga ng cash aid at iba’t-ibang serbisyo ang ipinamudmod ni House Speaker Martin Romualdez sa mga Zambaleños.
Sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair o BPSF ni PBBM at Serbisyo Caravan ni Speaker Romualdez na tumayong kinatawan ng Pangulo sa okasyon. Nasa 80,000 katao mula sa Zambales ang makinabang sa cash aid, livelihood packages, at scholarship programs na ipinamudmod.
Bukod pa dito, bitbit din ni Romualdez ang serbisyo ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na tatagal hanggang bukas January 28. Sentro ng Serbisyo Caravan ang Botolan People’s Plaza sa bayan ng Botolan, na kauna-unahan sa buong Central Luzon Region.
Sa talumpati ng House leader, “ipinapaabot umano ng Pang. Marcos sa mga Zambaleños sa pamamagitan ng Serbisyo Caravan ang lubos na pagmamahal at malasakit ng gobyerno sa mga mamamayan nito. Sa 500-M halaga ng Serbisyo, P154-M nito ay cash assistance.
Kabilang sa aktibidad ay ang pagkakaloob ng DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS sa 13 bayan kung saan P52-M ang pinag hati-hati sa 26,000 individual beneficiaries.
Kabilang pa sa dinalang programa sa province-wide activities ay iba’t ibang scholarship programs ng CHED, at livelihood assistance sa pre-identified eligible beneficiaries in various sectors sa pamamagitan naman ng Department of Labor and Employment.
Sa kabuuhan, 3,000 rice farmers ang tumanggap ng cash assistance, 3,000 residente rin ang nabiyayaan ng cash aid at rice assistance sa ilalim ng CARD o Cash and Rice Distribution Program.
Sa unang gabi ng Serbisyo Caravan ngayong Sabado January 27, magkakaroon ng libreng Pasasalamat Concert sa Zambales Sports Complex, sa Iba, Zambales at inaasahan ang halos 35 thousand ang manonood. –Sa panulat ni Ed Sarto, DZME News
###