dzme1530.ph

Speaker Romualdez, nagpasalamat sa Aid package at Security assistance ng US

Pinasalamatan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang United States House of Representatives sa Bipartisan support sa pag-apruba sa $8.1-billion Emergency Aid Package sa key allies nito sa Indo-Pacific kabilang na ang Pilipinas.

Sa botong 385-34, pinagtibay ng US House of Representatives ang $8.1-billion Bill na naglalaan ng $4-billion sa Security assistance sa Taiwan at Pilipinas at iba pang Indo-Pacific allies ng US; replenishment ng $1.9-billion na US stocks na naubos dahil sa pagtulong sa US sa Asian allies, at $3.3-billion para sa submarine infrastructure at additional provisions.

Partikular na pinsalamatan ni Romualdez si Republican Representative Darrell Issa ng District of California na siyang nag-introduce ng amendments sa naturang panukala.

Hinikayat ni Rep. Issa ang US State Department na mag-laan ng $500-million para sa Foreign Military Financing sa Pilipinas.

Ang pag-adopt sa amendment ay patunay sa malalim na samahan ng dalawang bansa at pag highlight sa commitment nitong palakasin ang Defense capabilities ng bansa.

About The Author