dzme1530.ph

Speaker Romualdez hinimok ang KBP na palakasin ang kampanya laban sa fake news

Hinimok ni House Speaker Martin Romualdez ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), na palakasin pa ang kampanya laban sa fake news, misinformation at disinformation lalo na sa social media.

Si Romualdez ang panauhing pandangal sa 51st anniversary ng KBP na may temang “Empowering People’s Voices and Aspirations.”

Aniya, sa demokrasya kinikilala nito at buong pamahalaan ang indispensable role ng KBP bilang reliable source ng katotohnan, at facilitator ng informed public discourse.

Nito lamang Martes nagbabala sa publiko ang Presidential Communications Office (PCO) sa pagkalat ng manipulated video ni PBBM sa social media, kung saan inaatasan nito ang AFP na gumawa ng aksyon laban sa agrisibong hakbang ng isang bansa.

Kinilala ni Romualdez ang pagpapanatili sa intergridad ng mga broadcaster lalo na ngayon, na dahil sa makabagong teknolohiya, dumadaan sa transition ang media mula sa traditional platforms tungo sa digital spaces na masyadong mabilis ang pagkalat ng misinformation.

 

About The Author