dzme1530.ph

Speaker Dy, umapela sa mga mambabatas, kawani ng Kamara na magkaisa para maibalik ang tiwala ng publiko

Loading

Umapela si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa mga kasamahang mambabatas at kawani ng Mababang Kapulungan na magkaisa upang maibalik ang tiwala ng publiko sa sangay ng lehislatura.

Sa Flag Raising Ceremony kung saan ito ang guest speaker, inamin nito na malaki ang hamon at suliranin na kanyang nadatnan.

Subalit, hindi umano ito natinag dahil batid niyang hindi siya nag-iisa.

Tiwala si Dy na sa tapang, talino, at puso ng bawat kinatawan kasama ang mga kawani ng Mababang Kapulungan, maibabalik nila ang tiwala ng taumbayan.

Aniya, ito ang pagkakataon ng Kamara upang magtulungan para makamit ang katatagan ng bansa, at magagawa aniya ito kapag isinantabi muna ang pansariling interes.

Dagdag pa nito, kung meron mang hinihinging panahon para sa pagkakaisa, ngayon iyon, gayundin ang pagkakataon na magpamalas ng lakas ng loob at paninindigan.

Dahil sa kanilang pagkakaisa, unti-unti nang naipaglalaban at naipapatupad ang mga pagbabagong matagal nang hinihintay ng sambayanan.

Umapela rin ito na huwag magpaapekto sa mga naririnig o nababasa sa social media.

About The Author