dzme1530.ph

Speaker Dy tiniyak na legal at transparent ang ₱249-B unprogrammed funds sa 2026 national budget

Loading

Siniguro sa publiko ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na ligal, transparent, at regulated ang ₱249 bilyong unprogrammed appropriations (UA) sa 2026 proposed ₱6.793-trillion national budget.

Nilinaw ni Dy na ang UA ay reserbang pondo ng pamahalaan at hindi kasama sa kabuuan ng proposed ₱6.793-trillion 2026 national budget.

Ang ₱249 bilyon ay katumbas ng 3.6% ng 2026 General Appropriations Bill (GAB) at pasok sa 5% ceiling na itinakda ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay Dy, maaaring magamit lamang ang pondo kapag may sobrang kita ang gobyerno, may bagong buwis, o may finalized foreign-assisted projects.

Inalis na rin umano sa unprogrammed list ang mga infrastructure projects gaya ng kalsada, tulay, at flood control.

Bumuo na rin umano ang Kamara ng mga control measures upang maiwasan ang anumang abuso.

Kabilang dito ang pagsusumite ng special budget request, kasama ang supporting documents at detalyadong listahan ng pagkakagastusan.

Bukas din umano ito sa pagbusisi ng publiko dahil pera ng taumbayan ang national budget, kaya karapatan nilang bantayan ang paggastos nito.

About The Author