dzme1530.ph

Speaker Dy suportado ang livestreaming ng bicam meeting para sa 2026 national budget

Loading

Muling inulit ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang suporta sa panukalang gawing bukas sa publiko ang pagdaraos ng bicam meeting para sa proposed ₱6.793-trillion 2026 national budget.

Ang livestreaming ay layong ipakita sa taumbayan ang lahat ng mapag-uusapan sa bicam bilang bahagi ng transparency at accountability sa pagbalangkas ng national budget.

Sinimulan na umano ito ng Kamara, kung saan sa committee level pa lamang ay naka-livestream na ang deliberasyon hanggang sa amendment stage ng binuong Budget Amendment and Review Subcommittee o BARSc, na ipinalit sa dating small committee.

Bukod sa pagsasapubliko, nakinig din umano ang Kamara sa mungkahi ng civil society organizations na binigyan ng access sa mga pagdinig.

Sa kanyang adjournment speech, inamin ni Dy na malaking hamon sa kanya bilang bagong Speaker of the House ang pagpapanumbalik ng tiwala ng publiko sa mga kongresista at sa institusyon na nabahiran dahil sa flood control anomalies.

About The Author