dzme1530.ph

Speaker Dy handang isapubliko ang sariling SALN kasunod ng direktiba ni Ombudsman Remulla

Loading

Handang pangunahan ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang pagsasapubliko ng kanyang SALN kasunod ng pagluluwag na ginawa ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Ayon kay Speaker Dy, nais niyang magsilbing halimbawa sa mga kasamahang kongresista sa pagsusulong ng transparency at accountability.

Aniya, ngayong break ay pag-uusapan nila ang procedure sa paglalabas nito upang maging malinaw ang kanilang suporta sa public disclosure ng SALN.

Inamin ni Dy na noong mga unang taon niya sa Kongreso ay bukas sa publiko ang kanilang SALN, subalit nabago ito nang manungkulan bilang Ombudsman si Samuel Martires.

Batay sa direktiba o memorandum ni Remulla, maaari nang hingin ang kopya ng SALN, maliban na lamang sa mga sensitibo o personal na impormasyon, sa loob ng sampung (10) working days matapos itong i-file.

About The Author