dzme1530.ph

SPEAKER BOJIE DY, TIWALANG MALAPIT NG MAISAKATUPARAN ANG ANTI-POLITICAL DYNASTY

Loading

Naghayag ng kasiyahan si House Speaker Faustino Bojie Dy III sa  approval sa committee level ng consolidated Anti-Political Dynasty measure na naka-anchored sa second degree prohibition. 

 

Ito’y matapos ang apat na dekada na walang ginawa ang Kongreso sa utos ng Saligang Batas na magpatibay ito ng batas para sa ganap na pagbabawal sa dynasty. 

 

Bagaman at sa committee level pa lamang ito, pero para kay Dy, nalalapit na sila sa katuparan nito. 

 

Sa pinagtibay ng komite, pinagbabawalan na tumakbong sabay sa iisang political unit ang mag-asawa, mag-ama o mag-ina na siyang sinasakop ng second degree of civil relationship. 

 

Nanindigan naman si Dy na ang second degree coverage ay lumitaw din sa tatlong public consultations na ginawa ng komite ni Rep. Zia Alonto Adiong across Luzon, Visayas at Mindanao. 

 

Produkto aniya ito ng pakikinig, maingat na pag-aaral, at efforts para makahanap ng “common ground.” 

 

Kung ito ay ganap na maging batas, ang pagbabawal ay agad na ipatutupad sa darating na 2028 elections at sa mga susunod pang halalan sa bansa. | via Ed Sarto

About The Author