dzme1530.ph

SPEAKER BODJIE DY, ISINUSULONG ANG “LONG-OVERDUE” NA MAGNA CARTA FOR BARANGAYS

Loading

Mismong si House Speaker Faustino Bojie Dy III ang nagsusulong para isabatas ang magna carta for barangays, na kabilang sa LEDAC priorities.

 

Personal na dumalo ngayong araw si Speaker Dy sa hearing ng House Committee on Local Gov’t para itulak ang approval ng aniya “long-overdue” measure.

 

Sa kanyang speech, sinabi nitong ang mga Barangay official ang totoong nasa frontline ng gobyerno, kaya nararapat na kilalanin, bigyan dignidad, protektahan at tiyakin ang malakas na suporta.

 

Sa pag-pushed sa House Bill No. 3533, inamin ni Dy na sa pagiging Barangay Chairman siya nagsimula sa politika at serbisyo publiko.

 

Sa kanyang panukala, nakaugat umano ang personal na experience at malinaw na pag-unawa kung paano gumagana ang governance sa community level bilang Barangay Chairman, Mayor at Governor.

 

Walang sino man sa mga opisyal ng pamahalaan ang makakapagsabi na alam nila ang pang-araw-araw na buhay ng ordinaryong mamamayan maliban sa mga Barangay officials.

 

Sa ilalim ng proposed magna carta for barangays, itataas ang sahod at benepisyo ng lahat ng punong Barangay, Kagawad, SK officials at Barangay personnel.

 

Titiyakin din na available ang basic services at facilities gaya ng barangay hall at health center bilang pagpapalakas ng institusyon.

About The Author