dzme1530.ph

Spanish tennis player Rafael Nadal, umatras sa French Open

Umatras si Rafael Nadal sa French Open dahil hindi pa gumagaling ang kanyang hip injury, kasabay ng pagsasabing inaasahan niya na 2024 ang kanyang final year sa professional tennis.

Sinabi ng 36 anyos na Spanish player, na ang katawan na niya ang nagde-desisyon, matapos maglaro sa clay court kada taon simula noong 2005.

Magpapahinga muna ng ilang buwan si Nadal, at nangangahulugan ito na hindi rin siya makapaglalaro sa Wimbledon, at posibleng pati na rin sa US Open, bago magsimulang sumabak muli sa court.

Sa susunod na taon aniya ay posibleng tapusin na niya ang kanyang karera, kung saan nakapag-produce siya ng 22 Grand Slam Titles. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author