dzme1530.ph

SP Zubiri, walang planong kumandidato sa mas mataas na posisyon

Ilang taon pa bago ang 2028 Presidential elections, idineklara na ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang kawalan niya ng interes na kumadidato sa mas mataas na posisyon.

Bilang tugon ito sa resulta ng Pulse Asia survey kung saan nakakuha si Zubiri ng 7% ng suporta kung kakandidato bilang Vice President sa 2028.

Ayon kay Zubiri, balak na niyang magretiro pagkatapos ng 30 taon sa pulitika.

Sa kabila nito, nagpasalamat naman ang senate leader sa kanyang mga kababayan sa Mindanao at Visayas na nagbigay ng 14% at 8% sa survey ng Pulse Asia.

Nangako rin ang senador na ibubuhos na lang niya ang apat na taon pang natitira sa Senado para sa pagbalangkas ng mga batas na makatutulong sa mas maraming Pilipino.

Anumang magandang umero na nakukuha niya at ng Senado sa mga Survey ay patunay lamang aniya na kinikilala ng publiko ang serbisyong kanilang ipinagkakaloob.

About The Author