Naniniwala si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na may concerted effort o pagkilos upang sirain ang liderato ng Senado kasunod ng walang tigil na mga fake news laban sa kanila.
Sinabi ni Sotto na simula noong Setyembre, hindi na natigil ang samu’t saring pekeng balita laban sa kanya, kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson, at kay Sen. Miguel Zubiri.
Kabilang sa lumabas na fake news ang pagbabalita na pagsusulong nila ng panukala para sa bagong buwis.
Sinabi ni Sotto na sa loob ng 24 na taon niya sa Senado ay hindi siya kailanman nagsulong ng panukala para sa pagpapataw ng buwis, at kung maghahain man siya ng panukala, ito ay para sa pagbabawas ng tax.
Sa huli, umapela si Sotto sa publiko na huwag basta maniwala sa mga lumalabas sa social media, lalo na sa mga masasamang balita.
Ipagdarasal naman ng Senate leader ang mga nagkakalat ng fake news.