dzme1530.ph

SP Sotto, naniniwalang hindi papayag ang Kamara na i-adapt ang bersyon ng Senado sa panukalang budget

Loading

Naniniwala si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi papayag ang Kamara na i-adapt na lamang ang bersyon ng Senado ng P6.793-trilyong 2026 national budget.

Ayon kay Sotto, bagamat gugustuhin ng ehekutibo na katigan na lamang ng mga kongresista ang bersyon ng pambansang budget ng Senado, tiyak pa ring tatalakayin at pag-uusapan ang bawat probisyon ng pambansang pondo.

Sa pagtaya ng Senate President, pagdedebatehan sa bicameral conference committee ng budget ang mga soft projects tulad ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) at ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Nanindigan naman si Sotto na dapat i-centralize ang mga proyekto sa mga lider ng Kongreso tulad ng nangyari sa mga nakalipas na taon at tiniyak niyang ilalagay ito sa tamang lugar at institusyon.

Bagama’t sa opening at closing lang ng bicam ang Senate President, tiniyak ni Sotto na imomonitor niyang mabuti ang magiging takbo ng bicameral conference committee meeting, tulad ng pagbabantay ng publiko sa budget.

About The Author