Umaasa si Senate President Francis “Chiz” Escudero na igagalang ng Kamara anuman ang magiging desisyo ng Senado sa Economic Cha-cha bill.
Tugon ito ng senate leader sa pahayag ng ilang kongresista na dapat ipasa ng bagong liderato ng Senado ang Economic Cha-cha sa gitna ng tumaas na bilang ng mga Pinoy na sumusuporta sa pag-amyenda sa saligang batas.
Ayon kay Escudero, iginagalang nya ang Kamara na kanyang naging tahanan sa loob ng siyam na taon kaya umaasa rin siya na ganitong respeto rin ang kanyang makukuha.
Nanawagan si Escudero na hayaan ang Senado na makapagdesisyon ng sarili sa naturang panukala matapos ang konsultasyon sa ibat ibang sector.
Una nang nanawagan si House Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. kay Escudero na pakingggan ang tinig ng taumbayan sa Cha-cha.
Batay ito sa resulta ng survey na nagsasabi anyang 57% ng mga Pinoy ang sumusuporta sa Cha-cha.
Subalit hindi kumbinsido si Escudero na kinakailangan ang Cha-cha upang pumasok ang mga investor sa bansa.