dzme1530.ph

SP Escudero, naniniwala na hindi nalabag ng ICC ang soberanya ng Pilipinas kaugnay sa pagkakadakip kay FPRRD

Loading

Binigyang-diin sa Kapihan sa Manila Bay Media Forum ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na walang dayuhang nanghimasok sa pagpapatupad ng arrest warrant kay dating Pangulong Rodrigo Duterte

Ayon kay Escudero, niniwala siya na hindi labag sa soberanya ng Pilipinas ang pag-turnover kay Duterte sa ICC kaugnay sa kaso nitong crime against humanity.

Ipinaliwanag rin ni Escudero, na una, desisyon at ginawa ang pagsasampa ng kaso sa ICC ng kapwa Pilipino,  at hindi mga dayuhan, na naging dahilan ng pag-aresto.

Kumpara sa sitwasyon ni former Negros Oriental representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na may pending case sa PH government, at ngayon ay nasa Timor-Leste, wala umanong pending case sa Pilipinas ang dating presidente, kung kaya walang request para sa pagpapabalik rito sa Pilipinas.

Dagdag pa ng Senate President, ICC rin ang napiling venue ng mga biktima ng drug war laban kay Duterte upang makakuha ng hustisya.

Samantala, tinalakay rin ng senador ang hiling ng prosecution team na mag-isyu ng writ of summons kay Vice President Sara Duterte upang sagutin ang kanilang inihaing Articles of Impeachment sa loob ng 10 araw, sinabi ni Escudero na hindi ito maaaring gawin habang nasa recess ang Kongreso.

Giit ni Escudero, na kailangan munang magpulong ang Senado bilang impeachment court at nagbabala na ang pag-bypass sa mga pamamaraan ay maaaring humantong sa mga legal na hamon.

About The Author