dzme1530.ph

SP Escudero, may pasaring kay Sotto sa pagsuporta sa chacha

Loading

Pinaghihinay-hinay ni Senate President Francis “Chiz” Escudero si Senate Minority Leader Tito Sotto sa pagsuporta sa isinusulong na charter change.

Sa kanyang tweet sa X account, pinasaringan ni Escudero si Sotto at sinabihang easy lamang pagdating sa pagsuporta sa chacha.

Patutsada pa ni Escudero, kinampihan na nga ni Sotto ang impeachment ng Kamara kahit idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema, ngayon naman ay kakampihan pa ang chacha.

Naglagay pa ang Senate leader ng hashtag “The Senate is not your playground.”

Agad namang tumugon si Sotto at ipinaliwanag na ang pagsuporta sa chacha ay dahil lumalabas na nababago ang konstitusyon sa pamamagitan ng Supreme Court decision.

Ito ay may kaugnayan sa inilabas na ruling ng Korte Suprema sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Sotto na susuportahan niya ang constituent assembly o constitutional convention upang amyendahan ang Article 11 o ang accountability of public officers.

Binigyang-diin pa ni Sotto na wala siyang kinakampihan tulad ni Escudero.

Ang tangi anya niyang kinakampihan ay sa konstitusyon.

 

About The Author