dzme1530.ph

SP Escudero at Speaker Romualdez, magpupulong na ngayong araw

Magpupulong na ngayong araw na ito sina Senate President Francis “Chiz” Escudero at House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Escudero, kasama rin sa pulong sina Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada at Senate Majority Leader Francis Tolentino gayundin ang kanilang mga counterparts sa Kamara.

Inaasahang pag-uusapan ng mga lider ng Senado at Kamara ang mga panukalang mapagkakasunduan nila na bigyang prayoridad.

Partikular ding tatalakayin ang kanilang paghahanda para sa isasagawang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting sa June 25 kung saan pag-uusapan ang magiging legislative agenda sa pagbubukas ng sesyon sa huling linggo ng buwan ng Hulyo.

Ayon Kay Escudero, alas-11 magsisimula ang kanilang meeting malapit sa Malacañang dahil pagsapit ng alas-2 ng hapon ay dadalo naman sila sa signing ceremony ng ilang mga batas na naipasa ng Kongreso.

About The Author