dzme1530.ph

Southern Police District mas pinaigting ang kumpanya laban sa paggamit ng illegal na paputok sa pagsalubong ng bagong taon.

Loading

Umabot na sa 17,290 pirasong illegal na paputok na nagkakahalaga ng ₱325,589.00 ang nakumpiska ng Southern Police District kasabay ng pinaigting na enforcement operation mula December 16 hanggang December 30 laban sa pagamit ng ipinagbabawal na paputok.

Ang pagkumpiska sa paputok ay bunga ng patuloy na isinagawang inspeksyon, heightened police visibility, at coordinated enforcement activities na isinagawa ng mga police unit sa Makati, Taguig, Pateros, Pasay, Muntinlupa, Las Piñas, at Parañaque City.

Kasama sa mga nakumpiska ang mapanganib na paputok tulad ng Piccolo, Watusi, Poppop, Five Star, Judas Belt, Kwiton (Kabasi), Giant Whistle Bombs, Atomic Bomb variants, Mother Rockets (Boga), at iba pang ipinagbabawal na pyrotechnics device.

Ayon sa Southern Police District, lahat na mga paputok na ito ay nagdudulot ng malubhang panganib sa kaligtasan ng publiko, partikular sa mga bata at komunidad.

Paliwanag ng SPD ang bawat iligal na paputok na tinanggal sa mga kalye ay nagliligtas ng mga buhay at pinipigilan ang mga posibleng pinsala sa mga gumagamit nito.

About The Author