Pinagtibay ng Constitutional Court ng South Korea ang impeachment kay President Yoon Suk Yeol.
Naiyak sa tuwa at lungkot ang mga Pro-Yoon at Anti-Yoon supporters, na dumagsa sa mga kalsada para abangan ang desisyon ng Korte.
Ang panandaliang pagdedeklara ni Yoon ng Martial Law noong Disyembre ay nagpalala sa walang katiyakang lagay ng politika sa bansa.
December 14 nang unang masuspinde ni Yoon makaraang i-impeach ng parliamento sa pamamagitan ng botohan.
Ngayong tuluyan nang na-impeach si Yoon ay isang snap election ang kailangang maisagawa sa South Korea sa loob ng 60-araw.