dzme1530.ph

South Korea, napiling susunod na host ng World Youth Day

Napili bilang susunod na host ng World Youth Day (WYD) ang South Korea para sa taong 2027.

Isinagawa ni Pope Francis ang anunsyo kasabay ng misa kaugnay sa pagsasara ng World Youth Day sa Lisbon, Portugal.

Ayon sa Catholic Bishop Conference of the Philippines, ang pagiging host ng South Korea ay ang pagbabalik ng WYD sa Asya matapos ang 32 taon.

Ikinalugod naman ng mga taga-South Korea ang naging anunsyo ng Santo Papa. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author