dzme1530.ph

Sotto itinalagang bagong senate president

Loading

Tuluyan nang napalitan si Senador Francis “Chiz” Escudero bilang lider ng Senado.

Iniluklok ng mga senador si Senador Vicente “Tito” Sotto III matapos ideklara ang posisyon bilang bakante. Mismong si Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri ang nagsulong ng mosyon para ideklarang bakante ang posisyon, na agad ding inaprubahan ni Escudero.

Si Zubiri rin ang nag-nominate kay Sotto bilang Senate President, sa pagsasabing nasa “good hands” ang Senado sa pamumuno nito. Walang ibang lumaban sa posisyon kaya’t agad itong sinundan ng panunumpa ni Sotto, kasama ang kanyang pamilya at mga kasapi ng minority bloc.

Pinangunahan mismo ni Escudero ang panunumpa ni Sotto bilang bagong Senate leader. Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Escudero ang buong Senado sa tiwalang ibinigay sa kanya upang pamunuan ang Mataas na Kapulungan. Umaasa umano ito na mananatiling bukas at independyente ang Senado sa mga susunod na araw.

Samantala, nahalal bilang Senate President Pro Tempore si Senador Panfilo “Ping” Lacson kapalit ni Senador Jinggoy Estrada, habang si Senador Zubiri naman ang bagong Senate Majority Leader kapalit ni Senador Joel Villanueva.

Tatlong isyu ang sinasabing nagtulak sa pagpapalit ng liderato sa Senado una ang usapin ng budget insertions, impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte, at ang panukalang Charter Change.

About The Author