Sotto at Escudero, kapwa nais manligaw kay Sen. Tulfo para sa usapin ng senate presidency

dzme1530.ph

Sotto at Escudero, kapwa nais manligaw kay Sen. Tulfo para sa usapin ng senate presidency

Loading

Kinumpirma ni Sen. Erwin Tulfo na kapwa na nagpahiwatig sa kanya sina Senate President Francis “Chiz” Escudero at Senator-elect Tito Sotto III.

Ito ay sa gitna ng mga usapin ng posibleng pagpapalit ng Senate leadership pagpasok ng 20th Congress.

Sinabi ni Tulfo na nanghingi ng pulong sa kanya ang dalawang mambabatas subalit hindi pa niya napagbibigyan ang mga ito.

Ipinaliwanag ng senador na kailangan muna nilang mag-usap ng kanyang kapatid na si Sen. Raffy Tulfo subalit wala pa rin silang desisyon.

Sa ngayon ay tinitimbang pa rin niya kung sino ang kanyang sususportahang maging lider ng Senado.

Hindi aniya ito madaling desisyon dahil maraming bagay ang dapat na ikunsidera.

Ginawa ni Tulfo ang kanyang pahayag matapos siyang manumpa sa bagong tungkulin kay Barangay Captain Johnny Dela Cruz ng Barangay 307, Zone 30, sa Quiapo, Maynila.

About The Author