dzme1530.ph

Solons, nanindigan sa positibong epekto ng Economic Cha-cha

Nanindigan ang dalawang ekonomista sa Kamara na agad mararamdaman ang positibong epekto sa ekonomiya ng Pilipinas kapag naisakatuparan ang Economic Charter change.

Naniniwala si Albay Congressman Joey Salceda, Chairman ng Ways and Means Panel na agad bubuhos ang Foreign capitals na bibili ng shares dahil magsisilbi itong ‘signal’ sa Foreign investors na bukas na sa pamumuhunan ang Pilipinas.

Ayon kay Salceda, sa ngayon “patay” ang Stock market sa bansa dahil pawang Pilipino lamang ang bumubili ng shares.

Sa panig naman ni Marikina City Representative Stella Luz Quimbo, Senior Vice Chair ng Appropriations Panel, bukod sa stock market, ang pagpasok ng Foreign direct investments ang long term effect nito sa ekonomiya.

Kung luluwag ang Saligang Batas mas madali ng makahikayat ng Foreign capital dahil magiging “wholesale” na ang pagbenta ng Pilipinas para makaakit ng Foreign investors.

Hindi gaya ngayon na kailangan munang magpadala ng ‘trade mission’ sa ibang bansa sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. para lang ipakilala ang bansa sa mga investors.

About The Author