Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng solar-powered irrigation sa sustainable agriculture.
Ipinaliwanag ni Marcos na kapag naikabit na ang solar-powered irrigation pump na kumukuha ng kuryente mula sa araw, ay hindi na kailangan pang lagyan ito ng krudo.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag nang pangunahan ang groundbreaking ceremony ng Lower Agno River Irrigation System (LARIS) Paitan Dam, sa Santa Maria sa Pangasinan.
Nagkaroon din ng turnover ng farm machineries and equipment, farm inputs at solar powered irrigation projects.
Pinagtibay ng naturang inisyatiba ang commitment ng Marcos administration na paunlarin ang agricultural productivity sa pamamagitan ng climate-resilient at sustainable support systems.