Posibleng mahirapan pa ring makalusot sa Senado ang Sexual Orientation and Gender Identity Expression o SOGIE Equality bill.
Pahayag ito ni Senate President “Chiz” Escudero kung hindi anya papayag ang proponents ng SOGIE Bill na maamyendahan ang ilang nilalaman o probisyon ng panukala.
Ipinaliwanag ng Senate Leader na may mas magandang tiyansa na makapasa ngayon taon sa Senado ang Anti-Discrimination Bill na iba kumpara sa SOGIE bill.
Iginiit ni Escudero na mas malawak ang sektor na saklaw ng anti-discrimination bill, hindi tulad ng SOGIE bill na limitado lang sa LGBT Community.
Matatandaang sa nakalipas na liderato ng Senado, hindi pinayagang na ma-isponsoran na sa plenaryo ang SOGIE bill at ibinalik ito sa Committee level.
Ito ay nang ihayag ni dating Senate Majority Leader Joel Villanueva na maraming religious groups ang sumulat at nagrereklamo na hindi sila nakonsulta sa isinagawang technical working group meeting ukol sa panukala.