![]()
Pinadidisbár ni dating Senate President Francis “Chiz” Escudero ang public interest lawyer at kilalang social media personality na si Atty. Jesus Nicardo Falcis III.
Sa kanyang reklamo sa Korte Suprema, iginiit ni Escudero na dapat tanggalin sa roll of attorneys si Falcis dahil sa umano’y paglabag sa Code of Professional Responsibility and Accountability.
Batayan ng reklamo ang iba’t ibang Facebook posts ni Falcis na naglalaman ng malisyosong pahayag laban sa senador.
Giit ni Escudero, iresponsable at hindi katanggap-tanggap ang naturang asal, lalo pa’t ginagawa ito ng isang miyembro ng Philippine Bar laban sa kapwa abogado.
Dagdag pa ng senador, ang iresponsable at unrestrained character ni Falcis ay hindi magandang ehemplo ng pag-uugali ng isang abogado sa publiko.
Kabilang sa mga post ni Falcis ang pagtawag kay Escudero na “walanghiya” at “makapal ang mukha” kasabay ng pag-aakusa ng pagkakaroon ng pork barrel.
Tinawag din umano ni Falcis na “sinungaling” si Escudero kaugnay ng mga paliwanag nito hinggil sa budget insertions.
