dzme1530.ph

SOBRANG PAGGAMIT NG MOUTHWASH, MAY EPEKTO SA KATAWAN

Loading

Ang ating bibig ay kahalintulad ng ating sikmura na mayroong good at bad bacteria.

 

Ang good bacteria ay tumutulong sa pagpapanatili ng normal na acidity level sa ating bibig at tinitiyak din na normal ang ating blood pressure.

 

Ang mga bad bacteria naman sa bibig ay nagdudulot ng impeksiyon at pagkabutas ng ngipin.

 

Nakakatulong ang paggamit ng mouthwash upang patayin ang bad bacteria sa bibig.

 

Pero kung araw-araw at ilang beses pang ginagamit ang mouthwash sa bawat araw, posibleng patayin din nito ang mga good bacteria.

 

Dahil dito, mahihirapan nang mapanatili ang normal na acidity level sa bibig.

 

Ipinapayo ng mga eksperto ang regular na pagtu-toothbrush at paggamit ng dental floss sa halip na palagiang paggamit ng mouthwash.

 

Maaaring gamitin ang mouthwash kung ito ay ipinayo ng inyong doktor.

About The Author