Kinumpirma ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ikinukunsidera nilang ibalik ang sobrang inutang mula sa Asian Development Bank (ADB) at World Bank para pambili ng COVID-19 vaccines.
Sa briefing para sa proposed 2024 national budget sa Senado, tiniyak ni Diokno na tumigil na ang gobyerno sa pangungutang para sa bakuna kontra COVID-19.
Ito ay tugon ng kalihim sa tanong ni Senador Imee Marcos kung bakit kailangang lumobo pa ang uutangin ng bansa gayung nalampasan na natin ang pandemya.
Inihayag ni Diokno na sa tinggin nila ay na-overestimate ng nakaraang administrasyon ang kailangang bakuna para sa bansa.
Sinabi ng kalihim na sa ngayon ay mayroon pang unutilized loans para sa COVID ang Department of Health na ikinukunsidera nilang ibalik sa ADB at World Bank.
Sa ngayon anya ay hinihiling na nila sa DOH ang eksaktong figures kaugnay sa unutilized vaccine loans.
Batay sa datos, noong 2021 umabot sa $2-B ang cumulative loan ng bansa sa World Bank, ADB at Asian Infrastructure Investment Bank. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News