dzme1530.ph

Smuggled na bigas, fertilizers, at mga binhi, ipinamahagi ng Pangulo sa Cavite

Namahagi si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng smuggled na bigas, binhi, at fertilizers sa mahihirap na pamilya at magsasaka sa Cavite.

Sa seremonya sa General Trias ngayong araw ng Biyernes, ipinamigay ni Marcos ang 1,200 sako ng bigas sa mga piling benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ito ay bahagi pa rin ng mahigit 42,000 sako ng smuggled rice na nasabat ng Bureau of Customs sa Zamboanga City.

Samantala, bilang tumatayo ring Agriculture Sec. ay pinangunahan ni Marcos ang distribusyon ng palay at vegetable seeds, fertilizers, grass-cutters, hydroponic kits, at iba pa sa nasa 200 magsasaka. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author