dzme1530.ph

Slater Young, nag-sorry makaraang sabihing normal lang sa mga lalaki na magpantasya sa ibang mga babae

Humingi ng paumanhin ang dating Pinoy Big Brother winner at entrepreneur na si Slater Young kasunod ng kanyang kontrobersyal na pahayag na “Very, very normal” sa mga kalalakihan na magpantasya sa ibang mga babae.

Sa kanyang podcast kahapon, sinabi ni Young na hindi maganda ang kanyang pakiramdam nitong mga nakalipas na araw dahil na-realize niya na mali ang kanyang mga salitang binitawan.

Nagsilbi aniyang eye-opener ang pangyayari, kung saan akala niya ay maayos ang kanyang ginawa subalit kalaunan ay saka lang niya na naisip na mali pala talaga siya.

Idinagdag ni Young na nahihiya siya sa lahat ng kanyang sinabi, at umaasang tanggapin ng publiko ang paghingi niya ng paumanhin. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author