dzme1530.ph

Skyway, sinusuri kung apektado ng malalim na butas na nadiskubre sa Salas road

Sinusuri na ng mga otoridad ang malalim na butas sa Sales road, kung may epekto ito sa integridad ng pundasyon ng Skyway, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa press conference, inihayag ni MMDA Chairperson Romando Artes na sa ngayon ay safe ang Skyway.

Aniya, kailangan lamang i-assess ang epekto ng naturang sinkhole, pati na ang lawak ng pinsala nito.

Kahapon ay nadiskubre ng mga otoridad ang malalim na butas sa Sales road, malapit sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Unang napansin ang butas na may maliliit na bitak dakong ala-6 ng umaga, subalit mabilis itong lumaki ng hanggang tatlong metro at may lalim na 10 talampakan.

About The Author