dzme1530.ph

Skyway, pinag-iisipang gawing alternatibong ruta kapag sinimulan na ang rehabilitasyon sa EDSA

Loading

Ikinu-konsidera ng pamahalaan na payagan ang mga motorista na gamitin ang ilang bahagi ng Skyway nang libre, sa sandaling simulan na ang rehabilitasyon sa EDSA sa Hunyo.

Sinabi ni Transportation Sec. Vince Dizon na sasailalim ang major thoroughfare sa Metro Manila sa large-scale repair dahil hindi na sapat ang reblocking at pag-aaspalto sa kalsada.

Unang maaapektuhan ng major repair na sisimulan sa June 13 ang kahabaan sa pagitan ng Roxas Boulevard sa Maynila at Guadalupe sa Makati.

Ayon naman sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ire-repair ang EDSA, per lane.

About The Author