![]()
Pinalaya na ng Houthi rebels ang siyam na Filipino seafarers mula sa M/V Eternity C, na dating naging hostage sa Red Sea, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Sinabi ng DFA na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga awtoridad ng Sultanate of Oman na ang mga pinalayang Pinoy mula Sana’a, Yemen, ay inilipat na sa Muscat, Oman.
Naghahanda na rin ang Philippine Embassy at Migrant Workers Office sa Muscat para sa ligtas na pagpapauwi ng mga seafarers pabalik sa Pilipinas.
Matatandaan na sa panahon ng bilateral meeting noong Hulyo, tinalakay nina Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro at Omani Foreign Minister Sayed Badr bin Hamad El-Busaidi ang kalagayan ng mga biktima.
