dzme1530.ph

Sitwasyon ng mga Pinoy sa Japan minomonitor ng DMW, kasunod ng 6.0 magnitude na lindol

Nanatiling naka-monitor ang Department of Migrant Workers (DMW) sa sitwasyon ng mga Pinoy Japan kasunod ng nangyaring 6.0 magnitude na lindol kaninang tanghali Abril 4, 2024.

Ayon sa Migrant Workers Offices sa Tokyo at Osaka (MWO-Tokyo | MWO-Osaka), iniulat ng Japan Meteorological Agency (JMA) na ang epicenter ng lindol ay matatagpuan sa baybayin ng Fukushima Prefecture sa hilagang-silangang bahagi ng Honshu, Japan main island.

Inaaktibo na din ang mga protocol para sa accounting para sa kaligtasan ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs) sa mga apektadong lugar.

Parehong nakahanda ang MWO ng Tokyo at Osaka na tumulong sa mga OFW sakaling kailanganin nila ito at agaran silang magbibigay ng mga update sa DMW head office tungkol sa mga development.

About The Author