dzme1530.ph

Situation briefing sa nagpapatuloy na oil spill response efforts ng PCG, dinaluhan ni SP Zubiri

Pinangunahan ni Incident Management Team-Oriental Mindoro Commander, CG Commodore Geronimo Tuvilla, ang situation briefing para maibahagi kay Senate President Zubiri ang nagpapatuloy na oil spill response efforts ng Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang katuwang na ahensya sa Pola, Oriental Mindoro.

Nakibahagi sina Governor Humerlito “Bonz’ Dolor, Vice Governor Ejay Falcon, Pola Mayor Jennifer Cruz, Provincial Police Office Director, Police Colonel Samuel Delorino, at mga kinatawan ng LGU sa naturang pagpupulong.

Nagbigay ng mensahe si Senate President Senator Migz Zubiri, sa hanay ng PCG frontliners, nang ito ay bumisita.

Kinilala rin ng senador ang kontribusyon ng PCG sa Oriental Mindoro oil spill response, gayundin ang agarang pagresponde ng serbisyo tuwing may kalamidad at pagpoprotekta nito sa West Philippine Sea.

Sa gitna ng pulong ikinuwento ni SP Zubiri, na nakipag-ugnayan sa kanya si PCG Commandant, CG Admiral Artemio Abu, para sa karagdagang pondo na kinakailangan ng serbisyo.

Bilang tugon, ipinahatid ang pagsuporta ng senado para madagdagan ang mga barko ng PCG na makakatulong sa pagpapatrolya sa malawak na katubigan ng bansa. —sa ulat ni Felix Laban

About The Author