dzme1530.ph

‘SISA,’ WAGI NG BEST SCREENPLAY SA FANTASPORTO SA PORTUGAL

Loading

Nanalo ang pelikulang “Sisa” ng nagbabalik na veteran actress na si Hilda Koronel ng best screenplay sa Fantasporto International Film Festival sa Portugal.
 
Sa Facebook post, inanunsyo ng Idea First Company, na nag co-produced sa pelikula, na naiuwi ng Sisa ang best screenplay award sa 46th Festival International de Cinema do Porto, na kilala rin bilang Fantasporto.
 
Sa hiwalay na post sa Instagram, inihayag naman ng film director na si June Robles Lana, na karangalan ng kanilang team na makilala ang pelikula sa international stage.
 
Gayunman, ang pinaka makabuluhang bahagi ng kanilang journey ay maibalik ang tagumpay sa Pilipinas.
 
Palabas pa rin sa mga sinehan sa bansa ang Sisa na nag-premier noong March 4.

About The Author