dzme1530.ph

Sinibak na BI Chief, may bago ng kapalit ayon sa DOJ

Itinalaga ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, bilang Officer-in-Charge ng Bureau of Immigration si Deputy Commissioner Atty. Joel Anthony Viado.

Ayon sa DOJ, si Viado ang bahala sa operasyon ng Immigration sa ilalim ng pangangasiwa ni Sec. Remulla.

Agad na sisimulan ni Viado ang pamumuno sa Bureau of Immigration hangga’t wala pang itinatalagang BI chief si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Igiinit ni Remullla na kinakailangan pa rin na maipagpatuloy ang maayos na trabaho ng ahensiya sa kabila ng mga pagbabago kasunod nito sinabi ng Kalihim na tiwala ito sa kakayahan ni Viado para pamunuan ang BI. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author