dzme1530.ph

Singil sa kuryente, tataas na naman ngayong Setyembre

Asahan ng mga customer ng Meralco ang mas mataas na bill ngayong buwan bunsod ng panibagong dagdag-singil dahil sa tumaas na transmission costs.

Sa advisory, inanunsyo ng power distributor na madaragdagan ng ₱0.15 per kilowatt-hour ang singil sa kuryente, dahilan para umakyat ang overall rate para typical household, sa ₱11.79 per kilowatt-hour ngayong Setyembre, mula sa ₱11.63 per kilowatt-hour noong Agosto.

Ibig sabihin, ang mga kumu-konsumo ng 200 kilowatt-hour ay madaragdagan ng ₱31 ang kanilang total bill ngayong buwan.

Noong nakaraang Agosto ay nagpatupad din ang Meralco ng ₱0.03 per kilowatt-hour na dagdag-singil bunsod pa rin pagtaas ng transmission charges. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author